Solar blinker lights sa police outposts, bahagi ng PRO3 visibility

Solar blinker lights sa police outposts, bahagi ng PRO3 visibility

SA pagpapaigting ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director PBGen. Redrico A. Maranan na maglagay ng solar-powered blinker lights sa mga signage sa lahat ng police stations at outposts sa buong rehiyon.

Binigyang-diin ni Maranan ang kahalagahan ng inisyatibong ito upang palakasin ang presensiya ng pulisya at matiyak na ang mga komunidad ay madaling tumungo sa mga himpilan ng pulisya, lalo na tuwing gabi at sa oras ng mga emergency.

Ang mga solar blinker lights, na pinapagana ng renewable energy, ay kaakibat ng pangako ng PNP sa paggamit ng mga solusyong makakalikasan habang pinapalaganap ang kaligtasan ng publiko.

Ang mga ilaw na ito ay magsisilbing malinaw na palatandaan para sa publiko, lalo na sa mga liblib na lugar kung saan kulang ang karaniwang ilaw.

Inatasan na ang lahat ng yunit sa rehiyon na bigyang-priyoridad ang implementasyon ng direktibang ito at tiyaking ang mga solar-powered lights ay maikakabit at mapapagana sa mga nasabing lugar sa lalong madaling panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble