Solar-powered station ng Cleanfuel, binuksan sa Rosario Cavite

Solar-powered station ng Cleanfuel, binuksan sa Rosario Cavite

PILA ang salubong ng ating mga kababayan sa bagong bukas na istasyon ng Cleanfuel sa Cavite sa bayan ng Rosario, ang pinakabagong solar-powered station ng kompanya sa kahabaan ng General Trias Drive sa Brgy. Tejero.

Kaya sa opening day, marami agad nag-apply ng VIP card.

Sa VIP card pumapasok ang naiipong rewards sa kada pag-gas mo sa Cleanfuel—ang naipon na points ay maaaring palitan ng appliances.

Ayon sa management ng Cleanfuel, best option sa presyuhan ng gasolina ang kanilang ipagkakaloob sa mga taga-Rosario.

“‘We’re very happy at siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng motorista natin na tumatangkilik sa Cleanfuel. Kagaya ng lagi kong sinasabi, ‘yung success ng Cleanfuel is powered by our loyal customers and evergrowing clientele,” ayon kay Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, President and CEO, Cleanfuel.

Sunud-sunod ang naging opening ng Cleanfuel Stations ngayong buwan ng Marso.

Bago ang Rosario Station ay unang napasinayaan ang San Ildefonso Bulacan Station.

Kagaya ng format ng lahat ng istasyon, ipinagmalalaki ng Cleanfuel ang kanilang malinis, malamig at maayos na restrooms para sa mga motorista.

“We try our very best to bring of course quality fuel for less doon sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan namin at talagang pilit naming ginagawang competitive at siyempre pinag-iimprove pa hindi lang serbisyo, pati na rin ‘yung produkto,” ani Suntay.

Para sa latest promos ng Cleanfuel, abangan lamang ang mga announcement sa kanilang social media pages.

“I’m inviting you guys to join the promo of Cleanfuel ride and drive running until March 15-June 10,” wika ni Dominic Roque, Cleanfuel Brand Ambassador.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble