Solidarity trial ng WHO para sa bakuna na idaraos sa Pilipinas, sisimulan na

KINUMPIRMA ni Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Guevarra na uumpisahan na sa katapusan ng Enero o sa unang linggo ng Pebrero ang solidarity trial ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas na idaraos sa Metro Manila.

Nabatid na ang pondo para sa idaraos na solidarity trial ay dinagdagan pa at umabot na ito sa P384.4 million mula sa dating P89.1 million, kasunod ng kahilingan ng World Health Organization na taasan ang bilang ng mga target participants.

Sinabi pa ni Guevarra na nais ng World Health Organization na maging 15,000 na ang participants sa solidarity trial ngayon mula sa dating inanunsyo nuon na 4,000 lamang.

Gayunman, ay hindi muna sinabi ni Guevarra kung anong bakuna ang ipapadala ng World Health Organization para sa solidarity trial sa Pilipinas dahil hinihintay pa ang protocol.

SMNI NEWS