PINATUNAYAN ni Baekhyun ng EXO ang kanyang global influence dahil hindi pa nagsisimula ang tour ay sold-out na ito sa mga piling lugar abroad.
Ayon sa kanyang agency na INB100, nakamit ng 5th mini album ni Baekhyun na ‘Essence of Reverie’ ang mataas na milestone sa charts ng Billboard.
No. 1 ito sa Emerging artist chart, No.4 sa Top album sales, No. 35 sa Billboard Artists at nag-debut din sa Billboard 200 na nasa no. 121 spot.
Isa rin ito sa nag-top na mga albums sa iTunes sa loob ng 24 regions habang nakuha naman ng track na ‘Elevator’ ang no.1 spot sa Top Songs sa loob ng 14 regions.
Hindi lang yan, more than 1 million copies ang initial sale ng album sa loob ng tatlong araw.
Ang ‘Reverie’ solo tour ng singer ay isang selebrasyon para sa ika-labing tatlong taon niya sa industriya, at magpe-perform siya sa dalawampu’t siyam na lungsod sa South America, North America, Europe, Oceania, at Asia.
Magki-kick-off ito sa KSPO Dome sa Seoul ngayong June 7 and 8.