NASAWI ang mahigit 8 indibidwal matapos ang mahigit 20 oras na siege o pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang sikat na hotel at restaurant sa Mogadishu, Somalia.
Ayon sa Somalia authority, kabilang sa mga nasawi ay ang 6 na armadong lalaki na umatake at planong kubkubin ang naturang lugar.
Napag-alaman na ang nasabing hotel ay kilalang “hang out spot” o tambayan ng mga senior government officials, mga ministro at mga negosyante.
Sa ngayon, kinundena na ng international community ang nasabing insidente habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.