INANUNSIYO na ng House of Representative ang ‘surprise’ singer para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na si soprano singer Lara Maigue.
Binigyang karangalan si Maigue na kantahin ang Philippine National Anthem sa araw mismo ng SONA ni Pangulong Marcos.
Nakilala sa Maigue sa kaniyang rendition ng classical Mozart piece na “Queen of the Night” na nakakuha na 21 million views sa Instagram.
Maliban dito, kamakailan lang nang naging isa si Maigue sa mga performer ng ‘To Broadway With Love’, isang 2-night sold out concert kasama ang Singapore Symphony Orchestra.