SONA 2024 ni PBBM, generally peaceful—PNP

SONA 2024 ni PBBM, generally peaceful—PNP

TAHIMIK at walang naitalang untoward incident sa katatapos lang na SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. nitong Lunes, July 22, 2024

Ayon sa Quezon City Police District, pinangunahan nito ang maayos na pagbabantay sa mga pangunahing lansangan at mahahalagang lugar sa lungsod para lang matiyak na walang makalulusot na kaguluhan sa SONA ng pangulo.

“I want to express my heartfelt gratitude to all the members of STG Quezon for your outstanding efforts in ensuring the successful security coverage of SONA 2024. Your dedication and professionalism have kept our community safe and peaceful,” ayon kay PBGen. Red Maranan Director, QCPD.

Sa mahigit na 3K pulis na ipinakalat sa lungsod, malaking bagay anila ang pakikipagtulungan ng publiko para maging maayos ang daloy ng program ng pangulo hanggang sa pagtatapos nito.

“A total of 3,591 QC personnel were deployed, ensuring the event’s peaceful conduct. On this comprehensive deployment, zero major incidents were reported,” saad nito.

Nauna nang tiniyak ng PNP ang pagpapakalat ng mahigit sa 20 libong police personnel sa buong Metro Manila para seguruhing walang magiging problema sa aktibidad ng pangulo.

Para naman sa PNP, wala na silang mahihiling pa sa pangulo dahil simulat simula anila ay suportado naman ng administrasyong Marcos ang kanilang mga ginagawa.

‘’Lahat ng hinihiniling ng ating PNP, lahat po namin kasama po binibigay po ng presidente natin as long as makakatulong po para sa bansa,’’ ani PGen. Rommel Francisco Marbil chief, PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble