SONA ni Pangulong Duterte, isasagawa sa House of Representatives

SONA ni Pangulong Duterte, isasagawa sa House of Representatives

INIHAYAG ni Senador Vicente Tito Sotto III na pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa House of Representatives isagawa ang kanyang State of the Nation Address (SONA)

 

Sa isang zoom interview sinabi ni Sotto na limampu lamang ang maaring dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte, na idadaan sa rapid testing.

 

Ibig sabihin ay walang ibang audience ang Pangulo  sa Batasan bukod  sa limampu.

 

Bagama’t hindi pa pinal, ay inaasahan na ang dalawamput lima ay manggaling sa ehekutibo; dalawamput lima naman mula sa lehislatibo kabilang ang walong senador, siyam na congressman at pitong staff mula sa security at secretariat.

Infinix

Sa mga senador, bukod kay Sotto inaasahan na dadalo sa SONA sina Senador Panfilo Lacson, Francis Tolentino , Ronald dela Rosa , Bong Go, Sherwin Gatchalian , Pia Cayetano, at Majority Floor Leader Migz Zubiri.

 

Dagdag din ni Sotto na mahigpit na ipagbabawal ang media dahil sa posibilidad na magkakadikit-dikit ang mga ito sa ambush interview kung kaya’t ipapalabas ang SONA via livestream.

 

Pagdalo ni Duterte sa SONA hindi pa sigurado

 

Hindi pa tiyak kung personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa para sa kanyang Ika-5 State of the Nation Address sa Hulyo 27.

 

Ayon kay Roque, ang tiyak pa lamang ay ang venue pero hindi ang personal na pagdalo ng Pangulo.

 

Sinabi ni pa ng kalihim na puwedeng mag-broadcast ang Pangulo mula sa Malago Clubhouse sa Malacañang.

 

Nilinaw pa ni Roque na walang isyu kung saan gagawin ang SONA dahil talagang ginagawa naman ito sa Batasang Pambansa.

 

SMNI NEWS

 

BONUS OFFER

Leave a Reply

Your email address will not be published.