SONA ni Pangulong Duterte, tiniyak na live at walang edit ang ipalalabas

SONA ni Pangulong Duterte, tiniyak na live at walang edit ang ipalalabas

BONUS OFFER

IPALALABAS ng live at walang edit ang magiging ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 27.

 

Ito ang tiniyak sa publiko ni Radio Television Malacanang (RTVM), Executive Director Demic Pabalan.

 

Kasunod na rin ito ng mga natanggap na batikos ng RTVM dahil sa umano’y pagpapalabas ng edited na talumpati ng Pangulo sa Jolo, Sulu kung saan inalis ang pagbatikos nito sa mga “oligarchs.”

 

Ang RTVM ang tanging media entity na papayagang pumasok sa Batasang Pambansa sa SONA ni Pangulong Duterte sa Lunes.

 

Wala rin magiging press conference o ambush interview sa Pangulo matapos nitong ibigay ang talumpati.

 

Samantala, isasailalim sa lockdown simula sa Biyernes, Hulyo 24 ang Batasang Pambansa Complex.

 

Ayon kay House Sergeant-at-Arms Ramon Apolinario, ang lockdown ay para sa security at disinfection measure para sa nalalapit na SONA.

 

Ani Apolinario, nasa 500 security personnel ang ide-deploy sa araw ng SONA kabila na ang tinatayang 100 na tauhan mula sa Presidential Security Group.

 

Samantala, sinabi ni House Deputy Secretary-General Dr. Ramon Ricardo Roque na dalawang beses isasailalim sa Covid-19 screening ang mga dadalo sa SONA.

 

Ang unang Covid screening ay isasagawa sa Hulyo 26 at ang ikalawa ay sa Hulyo 27, araw mismo ng SONA.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.