Sonny Matula, nakikisakay lang sa popularidad ni Pastor Quiboloy—legal counsel

Sonny Matula, nakikisakay lang sa popularidad ni Pastor Quiboloy—legal counsel

HINDI pa rin tumitigil ang labor lawyer na si Sonny Matula sa pagkuwestiyon sa kwalipikasyon ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo Quiboloy sa pagtakbo niya sa May 12 elections.

Una nang ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon ni Matula na nagpapadiskwalipika kay Pastor Quiboloy dahil sa kawalan ng merito at legal na basehan.

Sa kabila nito, naghain pa rin ito ng Petition for Certiorari sa Korte Suprema para mabaliktad ang desisyon ng COMELEC na makatakbo sa halalan si Pastor Quiboloy.

Sabi ni Matula, dapat na maideklarang nuisance candidate si Pastor Quiboloy dahil ang kandidatura nito ay nakakaapekto sa kredibilidad ng halalan.

Tumatakbo aniya si Pastor sa eleksiyon para mapagtakpan ang kaniyang mga kaso at makatakas ito sa kaniyang pananagutan.

Pero para sa legal counsel ni Pastor Quiboloy, Hindi totoo at walang legal na basehan ang argumento ni Matula.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang pagsuko ni Pastor Quiboloy sa mga awtoridad at pagharap sa kaniyang mga kaso ay pagpapapakita lang na hindi ito takot sa accountability.

“The fact also that Pastor Apollo Quiboloy voluntarily surrendered, was arraigned and is bravely facing his case and is even awaiting the result of his petition for bail means that Pastor ACQ is not afraid of accountability,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel ni Pastor Quiboloy.

Pinaalalahanan din ni Torreon si Matula patungkol sa presumption of innocence pagkaraang sinabi ng labor lawyer na ang pagtakbo ni Pastor Quiboloy habang may hinaharap itong mga seryosong alegasyon ay hindi nakakabuti sa electoral process.

Ayon kay Torreon, hindi dahil may mga kaso si Pastor Quiboloy dahil na rin sa demolition job laban dito at sa kaniyang simbahan ay guilty o may kasalanan na ang Butihing Pastor.

Kaya nga aniya naghain ng Petition for Bail ang kaniyang kliyente ay para patunayan na mahina ang ebidensiya ng mga nag-aakusa sa kaniya.

“With due respect to Atty. Sonny Matula, he may have deliberately forgotten about one of the revered principles upon which our Bill of Rights is founded upon, that is, presumption of innocence. Just because Pastor Apollo C. Quiboloy is facing “severe allegations” precisely because of a political demolition job against him and his Church (KOJC) and affiliate companies does not mean that he is already guilty. That is precisely the reason why we filed a Petition for Bail in order to prove that the evidence of guilt against Pastor ACQ is not strong,” ani Atty. Torreon.

Dagdag pa ni Torreon, hindi na dapat pang problemahin ni Matula kung hindi man makakapangampanya sa buong Pilpinas ang Butihing Pastor dahil sa ito ay kasalukuyang nakakulong.

Pinapangunahan lang aniya ni Matula ang ginagawang pagdinig ng korte laban sa Butihing Pastor.

Giit nito, maaring mapagbigyan ng korte ang kanilang petisyon na makapagpiyansa ito kapag naipresenta na nila ang kanilang mga ebidensiya sa korte.

At kung sakali mang hindi makakapagpiyansa ang Butihing Pastor, ay nariyan aniya ang mga supporter ni Pastor Quiboloy para ipakalat ang kaniyang mga magagandang adhikain para sa mga Pilipino na siyang magpapanalo sa Butihing Pastor.

“Further, Atty. Matula should not make it his problem if Pastor Apollo C. Quiboloy is “unable to conduct a nationwide campaign dahil he is now in jail” because he is actually pre-empting the Honorable Presiding Judge hearing the cases filed against Pastor ACQ. For all you know, Allah (swt) may weave his magic and convince the Presiding Judge to grant Pastor ACQ bail after hearing the evidences being presented by the Prosecution. That is our most heartfelt and fervent prayer. However, Allah forbid, if it happens that the Judge may deny Pastor ACQ bail, then he should watch in awe how his supporters and followers bring his message of hope and progress to each and every Filipino electorate so that they will give a resounding vote in favor of Pastor ACQ in order to catapult him into a miraculous victory as an elected Senator. That is a strong probability that is beyond the comprehension of persons like Atty. Sonny Matula,” giit ni Torreon.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang mga atake ni Matula laban sa kandidatura ng Butihing Pastor ay hindi na rin dapat pansinin.

Nakikisakay lang aniya kasi si Matula sa popularidad ni Pastor Quiboloy.

Desperadong paraan aniya ito para mapansin ito ng publiko sa pag-aakalang makakatulong ito sa kaniyang nanganganib na kandidatura.

Tulad kasi ni Pastor Quiboloy, ay tumatakbo rin sa pagka-senador si Matula.

“Matulas’ arguments, for a lack of a better term, has no factual nor legal basis, hence, the same should not be given much attention as it appears that he is riding on the popularity of Pastor ACQ by obsessively attacking the Good Pastor’s candidacy as a desperate attempt to be talked about and thereby lend some air of hope to an otherwise pointless candidacy,” aniya pa.

Sa kabilang banda, naniniwala naman si Atty. Salvador Panelo, na walang sapat na basehan si Matula na idiskwalipika si Pastor dahil tumatakbo na itong independent sa eleksiyon.

“Unang-una ang naging basis nila to disqualify him kasi ‘yung partido na ginamit niya at nagaaway-away sila doon pero ang ginawa ni Pastor nag-independent. So, dapat moot and academic na ‘yan kasi wala na ‘yung party so ano pa ang dapat na i-disqualify niyo? paliwanag ni Atty. Salvador Panelo.

‘Yun namang sinasabi nila na binigyan ng 5 days to respond, ginawa 30 days, bakit daw pinagbigyan, dinis-miss.

Dinis-miss dahil moot and academic na.

Ang COMELEC, itinanggi naman ang pahayag ni Matula na pinayagan nilang makatakbo sa eleksiyon si Pastor dahil lamang sa ito ay sikat o popular.

Ayon kay COMELEC Chair Atty. George Garcia, Rule of Law ang ipinairal nila sa hindi pagpabor sa disqualification case ni Pastor Quiboloy.

“The petition filed before the COMELEC against Pastor Quiboloy suffers from grave procedural error if not completely unmeritorious deserving of an outright dismissal. We apply the law and the rules. Why should we be blamed on the mistake of others?” tugon ni Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter