NAGSAGAWA ng Clean-Up Drive sa Mainit Naga City, Cebu ang Sonshine Philippines Movement (SPM)
Sa tulong ng mga volunteers ng SPM at Keepers Club International Cebu chapter naging matagumpay ang Clean Up Drive na isinagawa kung saan mahigit 30 sako ng basura ang nakolekta.
Bahagi ng Clean-Up Drive ng SPM sa nasabing lungsod ay ang pagtuturo kung paano ang proper disposal ng hazardous waste ng syudad.
Isa sa tinututukan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Naga ang mga nagkalat na facemask at mga plastic na umabot na sa bukiring barangay ng syudad.
Nababatid na dumagdag sa pangunahing problema sa basura bukod sa plastic ang facemask ngayong pandemya dulot ng COVID-19.
Pinapaalala ng CENRO na itapon ng maayos ang mga plastik na basura upang maiwasan ang pagbara sa mga kanal na maaaring maging sanhi ng pagbaha.
Bagaman nakagawa ng epektibong paraan para sa kanilang garbage disposal, pinagtibay na rin ang regular na Clean-Up Drive sa mga barangay sa pamamagitan ng city ordinance.
Samantala, ikinatuwa naman ng Bgry. Mainit ang suporta ng Sonshine Philippines Movement sa pamamagitan ng adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Nagpapasalamat ang mga residente ng nasabing barangay sa malaking tulong na nagawa ng SPM sa kanilang Baranggay.