NAGPAPATULOY sa mga oras na ito ang “One Tree, One Nation” Tree Planting Activity na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Tanay, Rizal.
Ang nasabing lugar ay bahagi ng Sierra Madre—ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
Ang Sierra Madre na tinaguriang backbone o gulugod ng Luzon ay nagagawang masalag at mabasag ang lakas ng mga bagyong namiminsala sa lupa.
Nasisipsip din ng kagubatang ito ang tubig-ulan para hindi bumaha sa kapatagan.
Iba’t ibang malalakas na bagyo na nga ang tumama sa bansa pero para bang tila isang milagro ang paghina ng bagyo tuwing tumatawid ito sa nasabing bundok.
Ang Sierra Madre ay may humigit-kumulang 540 kilometro. At kung pagbabasehan sa mapa, makikita na halos sakop na nito ang magkabilaang dulo ng Luzon dahil ang haba ay mula Cagayan hanggang Quezon Province.
Pinakamahabang mountain range o bulubundukin ito sa Pilipinas na may tinatayang 1.4 million hectares ang lawak.
Tuwing Setyembre 26 ay ginugunita ang “Save Sierra Madre Day” na itinaon sa anibersaryo ng pagtama ng Bagyong Ondoy sa bansa noong 2009. Nagsisilbi itong paalala sa lahat na huwag hayaang makalbo ang kabundukan.
Pero, kahit gaano pa man kaganda at kahalaga ang Sierra Madre sa ating bansa ay malaking hamon pa rin ang iba’t ibang suliranin na nagdudulot ng pagkasira ng nasabing lugar.
Nandiyan ang illegal logging o ang pagpuputol ng mga puno na siyang ginagawang uling. Isa itong pangunahing kabuhayan ng mga residente sa Sierra Madre. Nandiyan din ang problema ng pagmimina, soil erosion o pagguho ng lupa, polusyon, at urbanisasyon.
Ang Sierra Madre ay mahalagang yaman ng kalikasan, kaya’t kinakailangan ang sama-samang pagkilos upang mapanatili ang ganda at halaga nito para sa susunod na henerasyon.
Ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan ay isa sa mga inisyatiba ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Matapos ang matagumpay na ‘One Tree, One Nation’ Nationwide Tree Planting Activity at ‘Kalikasan: Tatag ng Bayan’ Nationwide Cleanliness Drive sa nakalipas na dalawang linggo ay tinungo naman ng SPM ang pagtatanim ng mga puno sa Sierra Madre, araw ng Sabado.
Isang makabuluhang bayanihan ang ginawa sa nasabing kabundukan dahil daan-daang volunteers mula sa iba’t ibang grupo ang nakiisa sa malawakang tree planting activity na ito.
Maliban sa SPM, nariyan din ang KOJC Community, Keepers’ Club International, lokal na pamahalaan at mga pribadong organisasyon.
Ang programang ito ng Butihing Pastor ay sinimulan na noon pang 2005 at naglalayong tugunan ang patuloy na deforestation sa Sierra Madre na tinaguriang “backbone ng Luzon” laban sa mga malalakas na bagyo at pagbaha.
#OneTreeOneNation
#SaveSierraMadre
#PastorApolloParaSaKalikasan