PINANGUNAHAN ng mga SPM volunteer ang paglilinis sa kapaligiran ng Poblacion, Montevista, Davao de Oro, na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang nasabing cleanliness drive ay hindi lang para sa lugar na ito kundi para sa buong bansa.
Kilala ang Montevista bilang isang bahaing lugar, kaya isa ito sa mga napili ng SPM para isagawa ang massive Cleanliness Drive.
Inuna ng mga volunteer linisin ang mga tabing-kalsada at kanal.
Sa mga kanal naman, agaw-pansin ang mga plastik, bote, at karton na nagdudulot ng malaking problema sa lugar.
Ayon kay MENRO officer Danilo H. Requillo, nagsasagawa na sila ng Information Education Campaign (IEC) upang turuan ang mga residente tungkol sa tamang waste segregation, reduction, at disposal.
At dahil aniya sa mga cleanliness drive na ito, muli nilang natulungan ang komunidad at nakapagtanggal ng mga basura na bumabara sa mga kanal.
Marami sa mga volunteer ang umaasa na magpapatuloy at mas dadami pa ang mga makikilahok sa programa ni Pastor Apollo.