HINDI na bubuwagin ang Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).
Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. hihigpitan na lamang nila ang “vetting process” ng mga itatalagang pulis sa PDEG sa halip na buwagin ito.
Sa pamamagitan aniya ng nasabing hakbang ay matitiyak na mga karapat-dapat na tauhan ang maitatalaga sa anti-illegal drug unit ng pulisya.
Kabilang sa sisilipin ng mga field commander ang integridad at records ng mga pulis na magiging bahagi ng PDEG.
Maaaring maharap sa serious neglect of duty ang field commander na nakapagtalaga ng tiwaling pulis sa PDEG, gayundin ang kanilang station commander, provincial director at regional director.