South Africa isinailalim sa state of national disaster dahil sa mga pagbaha

South Africa isinailalim sa state of national disaster dahil sa mga pagbaha

NAGDEKLARA ng state of national disaster ang South Africa nitong Huwebes, Hunyo 19, 2025.

Ito’y habang patuloy na tumataas ang bilang ng nasawi sa pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan sa Eastern Cape region.

Sa pinakahuling update, halos 100 na ang nasawi dahil sa mga pagbahang nag-umpisa noong Hunyo 9.

Libu-libong mga residente na rin ang nawalan ng tirahan.

Dahil din sa mga pagbaha ay nasira na ang mga kalsada, bahay, paaralan at iba pang imprastruktura sa Easter Cape.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble