South Korea at Estados Unidos, nagpalipad ng missiles sa karagatan bilang pag-response sa North Korea

South Korea at Estados Unidos, nagpalipad ng missiles sa karagatan bilang pag-response sa North Korea

BILANG pag-responde sa ginawang missile launch kahapon ng Pyongyang ay nagpalipad din ng missiles ang South Korea at Estados Unidos malapit sa North Korea.

Naglunsad na naman ng nuclear armed ang North Korea test firing noong nakaraang araw ng Intermediate Range Ballistic Missile na pinakamalayong naabot ng pagpapalipad nito.

Ayon sa White House National Security Council, ang hakbang na ito ng North Korea ay isang delikadong paglulunsad at sisiguruhin nito na magpapakita ang Estados Unidos ng pwersa maging ang mga kaalyado nito.

Dahil dito, nagpalipad din ng missile patungo sa karagatan ang tropa ng South Korea at Amerika.

Nagkaroon din ng bombing drill sa pamamagitan ng fighter jets ang mga ito sa Yellow Sea.

Follow SMNI NEWS in Twitter