LUMAGDA sa isang memorandum of understanding (MOU) ang South Korea at Saudi Arabia para palawakin pa ang kanilang defense cooperation agreement.
Nitong Linggo Pebrero 4, bumisita sa Riyadh si South Lorean Defence Minister Shin Won-Sik para sa world defense show bilang bahagi ng week-long trip nito sa Middle East, kasabay rito ang paglagda ng dalawang bansa sa kanilang defense cooperation agreement.
Mula sa naturang kasunduan, magkakaroon din ng joint committee ang South Korea at Saudi Arabia tungo sa pagbuo ng isang working group na tututok sa weapons systems research and development.
Layon din ng naturang kasunduan na mapalakas pa ang arms at weapon sales ng South Korea, ayon sa Seoul’s Defense Acquisition Program Administration (DAPA).
Ayon naman sa Korea Chamber of Commerce and Industry, palaki nang palaki ang exportation nila ng mga armas sa Middle East mula taong 2013 hanggang 2022.