MATAAS na global interest rates ang nakitang problema ng pamahalaan ng South Korea dahilan upang bawasan nito ang 2023 national budget.
Ayon kay South Korean Finance Minister, Choo Kyung-Ho asahan ang mas mababa na national budget sa susunod na taon kumpara ngayon na aabot sa 679 trillion won o $521 billion.
Dagdag pa ng ministro, simula taong 2010 tumaas ang porsiyento ng pinaggagastusan ng pamahalaan sa pamumuno ni former President Moon Jae-in.
Inaasahan din ang pagbabalik ng 10% return salaries para sa mga ministro at bise ministro sa pamahalaan habang posible ring tumaas sa 7% ang inflation rate sa bansa.
Samantala, nitong buwan ng Mayo tinaasan ang tax revenue ng bansa kasama na ang pagtaas ng policy rates sa mga bangko rito.