South Korea coach, umaapela sa China na palayain na ang Korean midfielder ngayong Pasko

South Korea coach, umaapela sa China na palayain na ang Korean midfielder ngayong Pasko

NANANAWAGAN si South Korea Coach Jurgen Klinsmann sa China na palayain na si World Cup midfielder Son Jun-Ho ngayong Pasko.

Ayon sa coach, wala namang sapat na ebidensiyang nakuha ang China laban kay Son kung kaya’t umaapela na ito sa kaniyang pagpapalaya.

Nitong buwan ng Mayo nang maiulat na na-detain ang midfielder dahil sa umano’y pagtanggap nito ng suhol mula sa non-state employees.

Ang Korean midfielder na ito ay kasama ni Chinese Super League side Shandong Taishan simula pa noong 2021.

Sa kasalukuyan ay naka-detain sa northeastern province ng Liaoning si Son.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble