South Korea, inanunsiyo ang planong pag-ban sa mga produktong konektado sa North Korea

South Korea, inanunsiyo ang planong pag-ban sa mga produktong konektado sa North Korea

NAGHIGPIT ngayon ang South Korea sa pag-export ng mga produktong patungo sa North Korea matapos ang banta na posibleng magamit ito sa North Korea satellite development o spy satellite.

Ayon sa foreign ministry ng South Korea, aabot sa 77 materyales ang kabilang sa watch list o naka-ban sa exportation sa North Korea.

Nagpatupad din ng bagong sanctions ang South Korea sa apat na indibidwal kasama na ang anim na taong konektado sa paggamit ng illegal weapon programs ng North Korea.

Matatandaang nagsagawa ng ilang weapon tests ang North Korea kabilang na ang paggamit ng Hwasong-17 ICBM nitong Huwebes na isang babala umano sa mga kaaway nito.

Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng South Korea sa United Nations Security Council kaugnay sa pagpapalipad ng mga ballistic missiles ng North Korea.

Follow SMNI NEWS in Twitter