South Korea, itinaas sa pinakamataas na crisis level sa foot-and-mouth disease

South Korea, itinaas sa pinakamataas na crisis level sa foot-and-mouth disease

ITINAAS ng South Korea Central Region sa pinakamataas na antas na crisis level sa foot-and-mouth disease (FMD) ngayong araw at magpapatupad ng quarantine measures upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing animal disease.

Ayon sa Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs, itinaas ang warning level sa Gitnang Lungsod ng Cheongju, North Chungcheong Province, ang county ng Jeungpyeong, at 7 iba pang katabing rehiyon, kabilang ang Daejeon, Sejong, at Cheonan sa pinakamataas na antas upang maging alerto ang lahat.

Ito ang unang pagkakataon mula noong Marso 2018 na itinaas ng gobyerno ang antas ng babala sa pinakamataas na punto at agad na isinagawa ang hakbang matapos kumpirmahin ang 1 kaso sa unang bahagi ng Mayo.

Ayon sa Agriculture Ministry, hanggang sa unang bahagi sa araw na ito, ang bansa ay nakapagtala ng 11 na kaso ng FMD sa mga local farms.

Kung saan mayroong 9 na naitala sa Cheongju at 2 sa Jeungpyeong, at ang pinakahuling isa na naiulat ay sa Cheongju Beef Cattle Farm.

Agad namang nagpadala ang mga awtoridad ng mga opisyal sa bukid para sa quarantine at pag-disinfect upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Samantala, upang agarang mapigil ang sakit, kinumpleto ng gobyerno ang pagbibigay ng mga bakuna sa mga hayop sa mga sakahan sa 9 na lungsod na may naitalang kaso at isinara ang mga pamilihan at pasilidad na nauugnay sa karne ng baka.

Gayunpaman, sinabi ng mga opisyal na ang mga pagkakataon ay tila mababa para sa viral disease na kumakalat sa buong bansa dahil ang mga bakuna ay epektibo.

Ngunit ang sakit na FMD ay nakapagdudulot ng sakit sa mga baka, baboy, kambing at iba pang mga hayop na may batik ang kuko.

Follow SMNI NEWS in Twitter