South Korea, nagbabala tungkol sa panganib na dala ng salmonella

South Korea, nagbabala tungkol sa panganib na dala ng salmonella

NAGBABALA ang Food Safety Authorities ng South Korea tungkol sa panganib na dala ng salmonella, isang bacterium na nakakalason at masama sa kalusugan.

Ang salmonella ay matatagpuan sa bituka ng mga manok at iba pang hayop na kinakain.

Kaya naman, agad na nagpayo ang mga awtoridad na maghugas agad ng kamay pagkatapos humawak o magluto ng hilaw na itlog at maging maingat sa paghihiwalay ng hilaw na pagkain mula sa mga lutong pagkain.

Ayon sa Ministry of Food and Drug Safety, ang pagkabigo sa paghuhugas ng kamay matapos magluto ng pagkain o humawak sa iba pang kagamitan sa pagluluto ay posibleng maging sanhi sa cross-contamination.

Dagdag pa rito, dapat munang palamigin ang mga itlog at lutuin nang maayos lalo na ang manok.

Tuwing tag-init, ang salmonella ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkalason sa pagkain dahil umaabot sa humigit-kumulang 37 degrees Celsius ang temperatura kaya mabilis na lumalaki ang bacteria.

Ang pangunahing sintomas na natamaan ang isang indibidwal ng salmonella virus, ay pagtatae, lagnat, sakit ng ulo, pagduduwal, pagsusuka at matinding pananakit ng tiyan at maari itong tumagal ng apat hanggang pitong araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter