NAGHANDA ang South Korea ng financial support program na nagkakahalaga ng 75.9 trilyong won para sa mga kompanya upang mapalakas ang investment sa nangungunang mga sektor.
Kabilang sa programa ang 15 trilyong won na halaga ng cheap policy loans mula sa mga bangko ng gobyerno para sa mga nangungunang industriya gaya ng semiconductor at battery habang ang mga bangko ay magsusuplay rin ng 20 trilyong won para suportahan ang small at medium sized na mga negosyo.
Ayon sa Financial Services Commission Chairman Kim Joo-Hyun, kinakailangang magkaroon ng hakbang ang mga bangko para suportahan ang mga kompanya maliban sa consumer financing na nakapokus lamang sa mortgage loans.
Ayon pa kay Kim, ang lumalalang relasyon ng South Korea sa China ay isa sa mga pagsubok na kinakaharap ng bansa.
Habang ang mga kompanya naman na nahaharap sa liquidity trouble ngayong taon dahil sa mataas na interest rates, magpapaabot ng tulong ang mga bangko sa pamamagitan ng pagtatanggal sa interest rates nito.