South Korea, naghahangad ng malapit na kooperasyon sa China

South Korea, naghahangad ng malapit na kooperasyon sa China

UMAASA ngayon ang South Korea ng malapit na kooperasyon mula sa China upang mapayapang matugunan ang krisis hinggil sa banta ng nuclear issues ng North Korea.

Ito ang sinabi ni South Korean Prime Minister Han Duck-Soo sa forum ng ika-30 anibersaryo ng pagkatatag diplomatic ties sa pagitan ng Seoul at Beijing na ginanap sa Seoul Hotel noong Hunyo 20.

Ayon sa mga opisyal ng South Korea at Washington, lumalabas na tapos na ang paghahanda ng North Korea para sa sinasabing ika-7 nuclear test nito at naghihintay lamang ang Pyongyang sa tamang pagkakataon.

Sinabi rin ni Han, na ang relasyon ng South Korea sa China ay dapat mabuo sa pamamaraang mabibigyan ng kapayapaan ang Korean Peninsula at kaunlaran para sa pandaigdigang komunidad.

Sa ngayon, nasa 30 ballistic missiles na ang inilunsad ng North Korea kabilang na ang first test nito noong nakaraang limang taon.

Follow SMNI News on Twitter