South Korea, nagpasa ng batas na magtatatag ng drone operations command

South Korea, nagpasa ng batas na magtatatag ng drone operations command

NAGPASA ang South Korea ng bagong batas na nagtatatag ng drone operations command na nilalayong palakasin ang kakayahan sa defensive at offensive missions kabilang na ang posibleng pagpapatama sa North Korean drones.

Ito ay naipasa anim na buwan matapos mag-utos si Pres. Yoon Suk Yeol na magtatag ng drone operations command.

Ang utos na ito ay kasunod ng insidente kung saan limang unmanned aerial vehicles ng North Korea ang pumasok sa South Korean airspace na nangyari noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ipinaliwanag ng Ministry of Government Legislation na ang pagtatatag ng drone operations command ay naglalayong palakasin ang military capabilities ng bansa.

Samantala ang command na ito ay nakatakdang ilunsad sa Setyembre, kung saan ang command na ito ay nasa ilalim ng ng pamamahala ng defense minister at pinamumunuan ng commander na may ranggo sa pagka-heneral.

Ayon sa defense ministry, umaasa ito na ang drone operations command ay matagumpay na magsasagawa ng strategic at operational mission para sa battlefield areas.

“The Defense Ministry expects that the drone operations command will effectively and systematically carry out strategic and operational missions in the joint battlefield area through the utilization of drones and become a leading unit in advancing the development of drone operations,” ayon sa Defense Ministry of South Korea.

Binigyang-diin din ng ministry na mahalaga ang pagtatatag ng drone operations command dahil sa nag-iibang security landscape ng mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter