South Korea, nakahanda na sa ikalawang test launch ng space rocket

South Korea, nakahanda na sa ikalawang test launch ng space rocket

NAKAHANDA na ang South Korea para sa ikalawang test launch nito ng domestically produced Nuri space rocket walong buwan matapos ang unang launch test nito.

Kahapon ang rocket ay itinayo na sa launch pad nito sa Naro Space Center sa Southern Coast ng South Korea.

Ang test ay naka-iskedyul na noong nakaraang linggo pero muling iniurong matapos magkaroon ng problema sa oxidiser tank sensor.

Ang three stage KSLV II Nuri rocket ay idinisenyo ng Korea Aerospace Research Institute.

Ito ay hudyat na rin ng pagsisimula ng bansa sa plano nitong simulan ang space program nito.

Samantala, nakikipag-ugnayan din ang South Korea sa Estados Unidos para sa lunar orbiter at umaasa na makapagpadala ng probe team sa buwan sa taong 2030.

Follow SMNI NEWS in Twitter