South Korea, nakapagtala ng 70,000 bagong kaso ng impeksyon

South Korea, nakapagtala ng 70,000 bagong kaso ng impeksyon

MULING nakapagtala ang bansang South Korea ng mahigit sa 70 libong bagong kaso ng impeksyon ng COVID-19.

Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KCDA) nakapagtala ang bansa ng 71,170 bagong kaso ng impeksyon ng COVID-19, kabilang dito ang 320 mula sa ibang bansa.

Ito ay sanhi pa rin ng patuloy na pagkalat ng nakahahawang Omicron subvariant.

Ayon sa ahensya, sa naitatalang kaso kada araw, aabot sa mahigit 200 libong kasong impeksyon ang maaaring maitala ng buong bansa sa susunod na buwan.

Dahil sa new wave ng impeksyon na nagsimula noong pagpasok ng summer holidays, upang maiwasan pa ang pagkalat ng impeksyon, matatandaan na inirekomenda ng pamahalaan ng South Korea ang pagpapaturok sa ika-apat na bakuna para sa mga nasa edad 50 pataas at edad 12 pataas

Nakapag-ulat naman ang Health Ministry ng South Korea ng 17 bilang ng kaso ng namatay ngayong araw, habang umabot na sa 19,009,080 ang kabuuang bilang ng kaso ng impeksyon ng COVID-19 sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter