South Korea, posibleng amyendahan ang panuntunan sa mandatory military enlistment

South Korea, posibleng amyendahan ang panuntunan sa mandatory military enlistment

POSIBLENG isasali na ng South Korean Defense Ministry sa kanilang mandatory military enlistment ang trans women o ang mga indibidwal na ipinanganak na lalaki ngunit kinikilala bilang babae.

Sa panukala, saklaw sa mandatory enlistment ang trans women na hindi pa sumailalim sa mahigit anim na buwang hormone therapy.

Sa enlistment ay magsisilbi silang social service personnel imbis na active-duty soldiers.

Sakaling maipatupad, ang hindi pa nakaabot ng anim na buwan na hormone therapy ay sasabak talaga sa tatlong linggong basic military training.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble