SASALI sa isang bidding ang South Korea para maging host ng 2036 Summer Games.
Subalit sa naturang bidding ay hindi na inalok ng south bilang co-host ang North Korea.
Nakikitang rason dito ang muling namumuong hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa sa kasalukuyan.
Kung matatandaan, noong 2021, inalok na ng South ang North bilang co-host para sa 2032 olympics subalit naibigay na sa Brisbane, Australia ang pagiging host dito.
Ang 2032 bidding ay hakbang sana ito ng dalawa para magkaisa na muli.
Samantala, noong taong 2018 ay nagkaisa na sana ang South at North sa isinagawang 2018 Pyeongchang Winter Olympics kung saan nag-martsa ang mga atleta ng dalawang bansa sa ilalim ng isang unified flag.