South Korea, tumaas ang electric consumption dahil sa heatwave

South Korea, tumaas ang electric consumption dahil sa heatwave

TUMAAS ang konsumo ng kuryente sa buwan ng Hulyo sa South Korea dahil sa nararanasang heatwave.

Ayon sa Korea Power Exchange (KPX) ang karaniwang konsumo ng kuryente ng bansa ay umabot sa 82,007 megawatts sa buwan ng Hulyo, mas mataas ng isang porsyento kaysa nakaraang taon.

Ito ang may pinakamataas na naitala mula noong taong 2005.

Ang huling naitala noong Hulyo 2021 ay nasa 81,158 megawatts lamang.

Dagdag naman ng KPX ang power reserve ratio ng bansa ay bumaba rin sa 10 porsyento 3 beses noong nakaraang buwan.

Ang bansa ay dapat merong ratio na 10 porsyento o higit pa upang mapanatili ang isang matatag na power supply at makapaghanda sa anumang darating na sakuna.

Sa ngayon, ang pamahalaan ay nagsusumikap upang maka-secure ng karagdagang power supply nang walang sagabal habang magpatutupad ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkonsumo ng kuryente lalong-lalo na sa pampublikong institusyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter