South Korean actor Ji Chang Wook, nakatakdang tumungo sa bansa sa Nobyembre

South Korean actor Ji Chang Wook, nakatakdang tumungo sa bansa sa Nobyembre

NAKATAKDANG tumungo ang South Korean Actor na si Ji Chang Wook sa Pilipinas sa Nobyembre para sa isang fan meet ayon mismo sa kanyang agency na Glorious Entertainment.

Base sa pahayag ng Glorious Entertainment, magsasagawa ang aktor ng serye ng fan meets sa Asia na pinamagatang “Reach You”, bilang paraan upang maibalik ang pagmamahal ng kanyang mga fans.

Dagdag ng Glorious, ipepresenta ng isang clothing brand ang tour at idadaos ito sa SM Mall of Asia Arena sa November 6.

Mababatid na noong 2020, nakatakdang magsagawa ng fan meeting si Ji sa Pilipinas, ngunit nakansela dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakilala si Ji Chang Wook sa mga naging papel nito sa Korean dramas na “K2”, Suspicious Partner”, Lovestruck in the city”, Empress Ki, at “The Sound of Magic”.

Follow SMNI NEWS in Twitter