SUGATAN si Lee Jae-myung, ang opposition leader ng South Korea matapos itong saksakin sa leeg ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Nangyari ang insidente, araw ng Martes, Enero 2, 2024 habang bumisita si Lee sa Busan City.
Dinala naman sa ospital ang biktima upang agarang magamot at kasalukuyan na itong nasa maayos na kondisyon.
Sa ulat, nangyari ang insidente matapos ang paglilibot ni Lee sa bagong itinayong paliparan sa Busan.
Ang suspek ay nagpanggap na supporter ng opposition leader at umano’y nais magpa-autograph.
Ngunit sa halip na magpa-autograph ay sinaksak nito si Lee.
Agad naaresto ang suspek subalit tumanggi itong sagutin ang mga tanong ng mga pulis.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si South Korean President Yoon Suk-Yeol kay Lee at ipinag-utos sa awtoridad na imbestigahan ang insidente dahil hindi dapat mai-tolerate ang ganitong uri ng karahasan.
Si Lee ay natalo ng 0.7% point kontra sa kasalukuyang South Korean president noong 2022 presidential elections.
Dahil dito, naging marahas na kritiko na si Lee kontra kay Yoon partikular na sa mga pangunahing polisiya nito.