South Koreans, babata ang edad kasabay ng pagbabasura sa tradisyonal na paraan ng pagbibilang nito

South Koreans, babata ang edad kasabay ng pagbabasura sa tradisyonal na paraan ng pagbibilang nito

NAGPASA ang South Korea ng batas na nagbabasura sa tradisyonal na paraan ng pagbibilang ng edad at ia-adopt na ang international standard ng pagbibilang nito.

Dahil sa paglipat sa international standard, bababa ang edad ng Koreans ng isa o dalawang taon sa official documents nito.

Magkakaroon ng nakahiwalay na sistema para sa conscription purposes o pagbibilang ng ligal na edad na maaaring uminom at manigarilyo ang isang indibidwal.

Ang nakakalitong paraan ng pagbibilang ng edad ay mawawala na sa mga opisyal na dokumento kung maging epektibo na ang mga bagong batas sa Hunyo sa susunod na taon.

Samantala, ayon sa survey karamihan naman sa mga South Korean ay natutuwa sa bagong batas na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter