South Koreans, nanguna sa dami ng tourist arrivals sa Pilipinas— DOT

South Koreans, nanguna sa dami ng tourist arrivals sa Pilipinas— DOT

MULA Enero hanggang ika-19 ng Hulyo 2023, umabot na sa higit tatlong milyon dayuhang turista ang naitala ng Department of Tourism (DOT).

Sa nasabing bilang, ang South Korea ang may pinakamataas na tourist arrivals sa bansa na umabot sa higit 741,000. Sinundan ito ng Estados Unidos, Australia, Japan at Canada.

Nasa ika-anim na pwesto naman ang China sa dami ng tourist arrival na umabot sa higit 129,000.

Pasok din ang Taiwan, United Kingdom, Singapore at Malaysia sa may pinakamaraming arrival sa bansa.

502.02% increase sa tourist arrival, naitala mula Enero–Hunyo 2023

Samantala, lumobo rin ang kita ng bansa sa ‘tourism receipts’ at kapansin-pansing pagtaas sa 502.02% o P212.47 bilyong piso mula Enero hanggang Hunyo ng 2023.

Ito ay kung ikukumpara sa higit P35.29 bilyong tourism revenue na naitala sa parehong panahon nakaraang taon.

3-M tourist arrival, sumasalamin sa patuloy na pagbangon ng bansa–Sec. Frasco

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco na ang higit tatlong milyong international tourist arrival ay sumasalamin sa patuloy na pagbangon ng bansa at sa mga natamo ng administrasyong Marcos tungo sa muling pagbangon ng turismo.

“We are glad to report that in roughly seven months, we have already achieved the 3 million international visitor arrivals mark, reflecting continued robust recovery and the gains of the Marcos Administration towards the resurgence of Philippine tourism, “ ani Sec. Frasco.

Ayon kay Frasco na ang turismo ay nagbibigay ng kabuhayan at trabaho sa milyon-milyong Pilipino.

Kaya nagpapasalamat siya sa panibagong interes ng buong mundo sa Pilipinas na nag-aalok ng maraming dahilan para mahalin ang pagbibiyahe sa bansa.

“Tourism provides employment and livelihood to millions of Filipinos. We are grateful for the renewed interest worldwide in the Philippines which offers a multitude of reasons to love travel across our islands,” saad ni Frasco.

Nagpapasalamat din ang kalihim sa mga Pilipino na patuloy na bumibiyahe sa loob ng bansa at sumusuporta sa mga lokal na komunidad at pamilya na bahagi ng tourism value chain.

“We thank as well our fellow Filipinos who continue to travel domestically, supporting our local communities and families who are all part of the tourism value chain,” saad nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter