Southern Police District ng NCRPO, may bago nang hepe

Southern Police District ng NCRPO, may bago nang hepe

MATAPOS ang labing isang buwan ng panunungkulan ay pinalitan na bilang district director ng Southern Police District (SPD) si PBGen. Kirby John Brion Kraft.

Ang hahalili sa kaniya ay si PBGen. Roderick Devilles Mariano.

Pormal na nagpalit ng hepe ng SPD, araw ng Biyernes na pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting Regional Director PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang change of command ceremony sa SPD Headquarters sa Taguig City.

Sa mensahe ng outgoing SPD chief, muling inaalala ang mga nagawa nito sa loob ng 11 buwan.

Kabilang din sa maipagmamalaking accomplishment ni Kraft sa SPD ay mahigit P3-M ang nakumpiska ng halaga ng ilegal na droga, pagkaaresto ng mahigit 5,000 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga, nasa mahigit P1-M ng halaga naman ang nakumpiska sa illegal gambling, at nakaaresto ng mahigit 600 na indibidwal sa kampanya laban sa wanted person.

Nakahuli ang SPD ng mahigit 3,000 indibidwal na kinabibilangan ng mahigit 300 na top most wanted person, mahigit 1,000 dito ay most wanted person at ang mahigit 2,000 ay other wanted person, at marami pang iba.

Tiniyak ng bagong SPD chief na ipapagpatuloy niya ang mga nasimulan at nagawa ni Kraft.

Bukod pa sa pagtutok sa community policing palalawakin din ng SPD ang kanilang police visibility sa komunidad at barangays upang maipakita sa mga kababayan na kasama sila sa pagsugpo ng krimen sa SPD.

Si PBGen. Kraft na ang bagong regional director ng Police Regional Office 13 (CARAGA) Region.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble