MATAGUMPAY na inilagay ng militar ang sovereignty marker sa Panggungan Island, Brgy. Datu Baguinda Puti, Sitangkai, Tawi-Tawi.
Ito ay sa pangunguna ng Joint Task Force Tawi-Tawi, Naval Task Group Tawi-Tawi, 2nd Marine Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Brigadier Gen. Romeo Racadio.
Ang Panggungan Island ay ang pinakaliblib na isla sa munisipalidad ng Sitangkai, Tawi-Tawi at tahanan ng 252 Sama-Bajau Tribe.
Nasa marginal area ng Pilipinas, Malaysia, at Indonesia ang isla na dating pinagtataguan ng Abu Sayyaf Group at iba pang lawless criminals/smugglers hanggang sa makubkob ng Philippine Marines noong Abril 2017.
Samantala, isang All-in-One Mission din ang ginawa kabilang ang pamamahagi ng food packs at relief goods, clean-up drive, pagtatanim ng niyog, counselling sessions para sa mga kababaihan, kabataan at nakatatandang Badjao at iba pang serbisyo.