SP Escudero pinatitiyak sa DOTr na walang maiiwan sa PUV modernization

SP Escudero pinatitiyak sa DOTr na walang maiiwan sa PUV modernization

HINIMOK ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ang Department of Transportation (DOTr) na walang maiwan sa pagpapatupad nito ng Public Transport Modernization Program, partikular na ang umaasa sa jeep bilang kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Escudero na ‘wag putulin ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa PUV drivers at operators na hindi pa rin nagko-consolidate bilang kooperatiba o korporasyon.

Paalala rin niya na walang karapatan ang gobyerno na mawalan ng pasensiya kaya’t dapat palaging maging bukas ang linya ng komunikasyon.

Ang pahayag ay ipinarating mismo ni Escudero kay DOTr Sec. Jaime Bautista matapos niyang makipagpulong sa ilang transport groups tulad ng PISTON at Manibela.

Kabilang sa hinaing ng grupo ay ang sobrang mahal na presyo ng modern jeep, at sana ay magkaroon ng trade-in system para dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble