SP Tito Sotto, payag na muling sumailalim sa COVID-19 test matapos makasalamuha si Cong. Yap

PAYAG si Senate President Vicente Tito Sotto III na muling sumailalim sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test kung loloobin ng publiko.

Ito ang pahayag ni Sotto matapos ang ginawang pag amin ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap na positibo ang kongresisita sa nakamamatay na COVID-19.

Si Sotto at si Yap ay parehong magkasama sa isang meeting sa Malakanyang kamakailan na dinaluhan din ng ibat-ibang matataas na opisyal ng ehekutibo at lehislatibong bahagi ng pamahlaan kung saan tinalakay ang hakbang ng gobyerno laban sa nasabing epidemya.

Kaugnay nito ay naniniwala si Sotto na hindi siya masyadong na expose kay Go sa meeting dahil maiksi lamang aniya ang panahon na sila ay magkasamsa.

Paliwanag ni Sotto na ang totoong meeting kung saan mahaba ang talakayan ay naganap sa loob ng opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan hindi naman nakasama si Go.

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published.