NAGKAISA ang Spain, France at Portugal para sa planong paggawa ng underwater pipeline na magdadala ng green hydrogen bilang bagong energy source sa buong Europa.
Ang green hydrogen ay mula sa tubig subalit idinaan sa isang proseso na tinatawag na electrolysis.
Ang resulta ng proseso ay ang pagkakaroon ng panibagong energy source maliban sa coal na magagamit ng isang bansa para magkaroon ng kuryente at iba pa.
Inaasahang tatalakayin sa madaling panahon nina Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, French President Emmanuel Macron, at Portuguese Premier Antonio Costa ang roadmap at timeline para sa tinatawag nila na H2Med project.
Nabuo ang ideya ng pipeline project kasunod ng pagsakop ng Russia sa Ukraine.
Ang Russia ang madalas na energy source ng karamihan sa mga bansa sa Europa.