Spain, nalagpasan na ang China sa dami ng bilang ng nasawi dahil sa COVID-19

NALAGPASAN na ng Spain ang kabuuang death toll ng China dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos makapagtala ang Spain ng 738 na nasawi sa loob lamang ng isang araw dahilan upang lomobo sa 3,434 ang total fatality ng bansa dahil sa COVID-19.

Mas mataas ito ng 149 kumpara sa 3,285 deaths na naitala sa China.

Dahil dito, pumangalawa na ang Spain sa may pinakamaraming napatay dahil sa virus.

Nananatili namang pinaka-apektado ng pandemic ang Italy na ngayon ay mayroon nang kabuuang 7,503 na nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.