NAKATAKDANG magbabalik sa paglalaro ng tennis ang Spanish player na si Rafael Nadal sa susunod na taon.
Ang kanyang comeback ay sa Australian open warm-up event na magsisimula sa January 1 hanggang 7, 2024.
Kaugnay nito ay iginiit ni Nadal na maging “competitive” na sya sa kanyang pagbabalik matapos ang halos isang taong pahinga dahil sa kanyang hip injury.
Sinabi na rin ni Nadal na posibleng last season nya na sa paglalaro ang taong 2024 bago ito tuluyang magretiro.