ITINUTURONG pasimuno sa nangyayaring signature campaign para sa Charter Change (Cha-Cha) si House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, batay sa natatanggap nilang ulat, mga miyembro ng Kamara ang nasa likod ng pagpapipirma.
Ibig sabihin, kung miyembro ng Kamara, naniniwala si Pimentel na hindi kikilos ang mga ito kung walang kumpas mula sa kanilang leader.
Nauna na ring sinabi ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na si Romualdez ang pasimuno sa umano’y People’s Initiative (PI).
Subalit itinanggi na ito ng House Speaker.