KASAMA ni President Bongbong Marcos Jr. si House Speaker Martin Romualdez para sa malalaking pulong ngayong araw, oras sa New York.
Kasama ang Pangulo, nakipagpulong sila sa mga miyembro ng US-ASEAN Business Council at sa US Chamber of Commerce upang mas mapalakas pa ang ugnayan at ang pagkakaisa ng Pilipinas at Estados Unidos na makapagbibigay ng “mutually beneficial economic” at “investment agendas” sa pagitan ng dalawang bansa.
Tiniyak din nila sa naganap na pulong ang mas matibay na relasyon ng Pilipinas sa US at ASEAN investors na makakatulong sa mas matatag na ekonomiya ng bansa.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang mag-uwi ng maraming oportunidad at investments sa bansa mula sa kaniyang working visit sa US.