Speaker Romualdez, magbibigay ng $100,000 humanitarian aid sa Turkiye

Speaker Romualdez, magbibigay ng $100,000 humanitarian aid sa Turkiye

MAGBIBIGAY ng aabot sa $100,000 na humanitarian aid ang House of Representatives sa bansang Turkiye.

Ito ay bilang pagtanaw ng pasasalamat sa naturang bansa na siyang pinakaunang nagbigay ng tulong nang tumama ang super typhoon na Yolanda sa bansa.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na taos-puso siyang nagpapasalamat sa Turkiye sa pagtulong sa Leyte, at sa maraming bahagi ng Eastern Samar, noong Nobyembre 2013.

Personal naman nitong iaabot kay Turkiye Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol ngayong araw.

Ang nasabing halaga ay nakalap mula sa inilunsad na Disaster Relief and Rehabilitation Initiative noong kaarawan ni Romualdez noong November 14.

 

Follow SMNI News on Twitter