GUSTUNG-gusto talaga ni House Speaker Martin Romualdez na maging pangulo ng bansa.
Ito ang isiniwalat ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang naging press briefing mula sa Bacolod City nitong Nobyembre 11, 2024.
Ngunit ayon kay VP Sara, kung hindi makakakuha ng popular vote si Romualdez, isusulong na lang nito ang Charter Change at tatakbo ito bilang prime minister.
Kasabay nito ay sinabi rin ni VP Sara na hindi gaanong malinaw kung ano ang ikinagalit ni First Lady Liza Marcos sa kaniya dahilan para magkaroon sila ng hindi magandang relasyon.