HINDI na kailangan humiling pa ng special powers sa Kongreso upang matugunan ang inflation sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa chance interview sa mga mamamahayag sa Rizal Park sa Maynila.
Ayon sa Pangulo, mayroon na siyang kapangyarihan na magdeklara ng emergency at kontrolin ang mga presyo ng commodities.
Mayroon na rin aniyang initiated interventions ang administrasyon upang maibsan ang matinding epekto ng inflation.
Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo na sa kalaunan ay bababa ang inflation rate kasabay ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo at imported agricultural products sa kabila ng pagtaas ng inflation sa 8.7% noong Enero 2023.