IMINUMUNGKAHI ni Technical Education and Skills Education Authority (TESDA) Deputy General Aniceto Bertiz ang pagkakaroon ng training courses para sa mga couriers ng express delivery.
Naniniwala si Bertiz na dapat mas mainam kung sasailalim sa training ang mga couriers, messengers at drivers ng express delivery services kung paano ang tamang handling protocols at security checks nga mga packages.
Ang mungkahing ito ni Bertiz ay batay na din sa paglobo ng bilang ng mga reklamo kasunod ng biglang pagtaas ngh demand sa express delivery service.
Sa ngayon aniya ay wala pang iniaalok ang TESDA ng ganitong course ngunit tiniyak ni Bertiz na pag-aaralan ito ng ahensiya.
Siniguro din ng opisyal na nakahanda ang pamahalaan upang matulungan at maprotektahan ang mga ganitong klase ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalidad na training.