Special voter’s registration para sa mahigit 2-K PDLs sa Bilibid, sinimulan na

Special voter’s registration para sa mahigit 2-K PDLs sa Bilibid, sinimulan na

SINIMULAN na ng Commission on Elections (COMELEC) ang special voter’s registration para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ngayong araw ng Lunes, Agosto 12, 2024.

Ang rehistro para sa mga bilanggo ay 2-araw na isasagawa.

Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor), nasa mahigit 24,000 na mga PDL ang kasalukuyang nakapiit sa NBP.

Sa bilang na ito nasa 2,431 PDLs ang pinayagang makilahok sa special registration.

Batay kasi sa COMELEC’s Resolution No. 9371 na ang lahat ng PDL ay pinapayagang magparehistro at bumoto ay iyong mga wala pang hatol ng korte at ang mga kaso ay naka-appeal o dinidinig pa.

“Ang maka-qualified lang po na maka participate sa ganitong registration ‘yung mga PDL na on appeal, na wala pang final verdict sa COMELEC Resolution No. 9371,” ayon kay CCINSP Roger Boncales, Acting NBP Supt., BUCOR.

Kahit patuloy ang ginagawang pagbabawas ng mga PDL sa NBP at kahit saang kulungan o penal farm pa ilipat ang mga PDL ay maaari pa rin silang magparehistro batay sa umiiral na COMELEC resolution.

“Gaya ng process dito, ‘yung mga COMELEC local, sa respective prison and penal farm, makikipag-coordinate din ‘yung kanilang mga Comelec officer nila doon, sa mga prison and penal farm para magkaroon din ng ganitong special registration,” ani Boncales.

Nitong Linggo ng gabi, 500 PDLs mula sa NBP ang inilipat sa San Ramon Prison at Penal Farm.

Sa huling tala ng BuCor, mula noong Enero 2024, nakapaglipat na ang BuCor ng nasa 5,770 PDLs mula NBP sa iba’t ibang operating prisons at penal farms.

Ito’y bilang bahagi sa decongestion program at paghahanda para sa pagsasara ng NBP sa 2028.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble