Speech ni U.S. Pres’l candidate RFK kaugnay sa “forever war” ng US, hinimay sa The Deep Probe

Speech ni U.S. Pres’l candidate RFK kaugnay sa “forever war” ng US, hinimay sa The Deep Probe

NAGING sentro ng talakayan sa panibagong episode ng The Deep Probe ang foreign policy speech ni US Democratic Presidential Candidate Robert F. Kennedy Jr. kaugnay sa “Peace Speech” ng kaniyang tiyuhin na si dating US President John F. Kennedy.

Sa episode na ito, hinimay ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasama ang SMNI panel of experts at anchors ang madugong kasaysayan ng Amerika sa pakikipag-giyera sa iba’t ibang bansa o ang tinatawag na forever war.

Binubuo nina Atty. Harry Roque, former Presidential spokesperson, Dr. Lorraine Badoy, former NTF-ELCAC spokesperson, at Jeffrey Ka Eric Celiz, former CPP-NPA cadre ang nasabing panel.

Amerika, ginagamit ang mga giyera para palakasin ang ekonomiya—dating Palace Spox

Dito, binigyang-diin ni Atty. Roque na ginagamit ng Amerika ang military industrial complex nito para palakasin ang ekonomiya nito.

“Napakalaking pera ang giyera. Kaya every opportunity, itong mga yumayaman sa giyera, sila iyong nagpapa-escalate ng conflict. Kaya ngayon bato-bato sa karagatan ang pinag-aawayan sa West Philippine Sea, and yet ang gusto nila magka-giyera,” pahayag ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.

Ayon nga sa isang parte ng talumpati ni Robert Kennedy, nagbabala na noong si U.S. Former Pres. Eisenhower na posibleng sumira ng demokrasya ng bansa ang military industrial complex nito.

“We’ve gone on the path of a military industrial complex which present Eisenhower had warned, he warned that if America did not take great pains to avoid it the emerging military industrial complex would devour our democracy,” pahayag ni Robert F. Kennedy, Jr., Democratic Presidential Candidate.

Base sa listahan na inilathala ng Stockholm International Peace Research Institute noong 2020, lima sa nangungunang arms manufacturers at military service companies ay mula sa Estados Unidos kabilang nga rito ang Lockheed Martin, Raytheon Technologies, Boeing, Northrop Grumman at General Dynamics Corp.

“Itong military industrial complex is the response to economic decay in the US. Parang naging economic development strategy nila, hindi na bale na ang ekonomiya natin sa Amerika o sa bansa nila, dahil kahit anong mangyari diyan, kikita tayo ‘pag nagkaroon ng giyera. So iyan ‘yung substitute nila for genuine economic development sa America,” wika ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson | SMNI Anchor, Pulso ng Bayan.

“So imbes na gastusin nila ang kanilang pondo galing sa kaban ng bayan para magkaroon ng mas masiglang ekonomiya doon sa Amerika, pino-pokus nila doon sa giyera kasi after all, ang benta niya sa gobyerno alone is 1 trillion dollars at siguro sa buong daigdig, aabot ‘yan ng 5-10 trillion dollars,” dagdag ni Atty. Roque.

 “The basis of war policy is the industrial complex kung saan halos 60% ng ekonomiya ng Amerika in the last decade, nakasandig sa pag-produce ng mga war armaments and war Armageddon na ginagamit niya para magdigma,” saad ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, SMNI Anchor | Laban Kasama ang Bayan, Pulso ng Bayan.

Ayon kay Pastor Apollo, isang halimbawa ng pagpapalakas ng ekonomiya ng mga armas ang giyerang nangyayari ngayon sa Ukraine.

“Katulad ng sinabi ni Atty. Roque kanina, ang kanilang focus, kanilang ekonomiya ay war craft, puro doon sa giyera. Sa Ukraine alone they fording 100 billion dollars, wala pang bale ‘yung mga armas na pinadala doon lahat-lahat na. At ngayon nagagalit pa nga si Zelensky dahil kulang pa at na-disappoint nga si President Biden sa sinabi niya eh, so ‘yun ang nakikita natin na nawala na ‘yung creativity ng mga Americans kasi wala na silang JGP na nakapatong doon sa kanilang currency. While China has all the creativity, overtaken kasi negosyo nga ang sa kanila eh. Trade ang kanila, they called it shared development,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Ayon pa kay Atty. Harry Roque, mayroon na ngang proxy war dito sa Asya kung saan kabilang ang bansa dahil sa pinag-aagawang teritoryo at Taiwan dahil sa One Country, Two System Policy na ipinapatupad ng China rito.

Diin ni Roque, ginagamit lamang ng mga Amerikano ang terminong freedom of navigation para makapanghimasok sa mga isyu ng teritoryo ng isang bansa.

“Alam niyo dito sa ating bansa, meron ding proxy war. Ang pinalalabas nila, ang naglalabanan ay Pilipinas at China. Kasi ang mga Amerikano, hindi naman ‘yan naniniwala ‘dun sa titulo natin sa mga pinag-aagawang isla. Palagi nilang sinasabi, hindi kami nanghihimasok sa pinag–aagawang isla. Ang interes nila ay ‘yung freedom of navigation.”

Pero ang sinasabi nila, sasaklolohan namin kayo Pilipinas kapag kayo ay aatikihin dahil importante sa amin ang freedom of navigation. So ibig sabihin, dahil wala naman tayong kakayahan para tumayo at lumaban sa Tsina, ang isa pang proxy war ay itong nangyari sa ating sariling bansa na ang totoo niyan, ang Amerika ang makikipaglaban sa Tsina dahil ayaw niya ‘yung nakikita niya na baka maging mas mayaman at mas malakas pa sa kanya ang Tsina,” diin ni Roque.

“At meron pang isang proxy war, ‘yung Taiwan. Iyong Taiwan, kung tatanungin mo at nagkaroon na ng survey, halos lahat ng Taiwanese sinabi wala kaming problema sa status quo. Ang nagsasabi lang na dedepensahan namin ang Taiwan ay ‘yung Amerika na estranghero naman sa Taiwan. So another proxy war ang mangyayari diyan. Hindi po ‘yan Taiwan and China, it is the US and China,” dagdag ni Roque.

“Hindi naman magpapakamatay ang Pilipino siguro dahil sa mga bato-bato at isda, pero ang Amerika talagang sinasabi niya, “ito na ang next flash point for conflict,” ayon pa kay Roque.

Dagdag pa nito, ang gulo sa pagitan ng magkakatabing bansa rito sa Asya ay dulot na rin ng kolonyalismo o pananakop ng mga dayuhan sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.

Ang hidwaan nagsimula dahil sa kolonyalismo, dahil sa pagdating ng mga puti dito sa ating lugar dito sa Asya.

Ayon naman kay Dr. Lorraine Badoy, parang hindi nag-iisip ang Estados Unidos dahil nagsisimula ang mga ito ng digmaan pero hindi maiayos ang mga problemang lokal gaya na lamang ng pagkalulong sa masamang bisyo.

“What a complex is in the psychological sense, the complex is unthinking. It’s like parang mob mentality, hindi na nag-iisip kasi kumbaga ikaw ang Amerika, nakikipag-away ka nang ganyan, nagma maniobra ka halfway around the world and yet your own people are dying from drug addictions, all sort of things noh, all the shootings—mass shootings. Then there’s something wrong. You’re not even looking inside yourself anymore. You’re starting wars halfway around the world and in fact, aggressive wars. Wars that are not even fought in self-defense,” wika naman ni Dr. Lorraine Badoy, Former NTF-ELCAC Spokesperson.

Samantala, ang nangyayari ngayong alitan sa ilang mga bansa sa Asya ay kaparehas ng pangyayari sa Ukraine kung saan ayon sa Deep Probe panel ay posibleng pagsiklab ng nuclear war.

Follow SMNI NEWS on Twitter