TINUNGO ng Sonshine Philippines Movement (SPM), ang Ilagan City Public Market para sa nagpapatuloy na Nationwide Clean Up Drive Kalinisan Tatag ng Bayan ngayong araw ng Sabado, Disyembre 14, 2024.
Bumuhos ang suporta mula sa iba’t ibang sektor gaya ng BFP, PNP, Philippine Army at Anti-crime Group para linisin ang Ilagan City Public Market.
Ayon sa Ilagan City LGU, kinikilala nila ang inisyatibong ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy na mapanatiling maayos, maganda at malinis ang ating kapaligiran.
Para sa mga dumalo, wala silang naramdaman na pagkakaiba-iba ng paniniwala o pananampalataya sa ngalan ng pagkakaisa tungo sa kalinisan at kaunlaran ng ating bayan.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal